Uh-huh.
Nakahanap na ako ng gusto kong career. Gusto kong maging food writer! Gumagawa ako ngayon ng assignment para sa Cook Mag at enjoy na enjoy ako sa pagkain ng libre sa mga restaurant na nire-review ko at pagtuklas tungkol sa pinanggalingan ng iba’t ibang putahe.
Heto yung trabaho ni Julia Roberts sa My Best Friend’s Wedding. Naalala ninyo yung opening scene kung saan tuliro sa paghahanda ng pagkain ang mga waiter? Tapos si Mareng Julia ay sitting prettily lang kasama ang hunkadoodles (na baklita pala) na si Rupert Everett? Uh-huh. Tapos, nang tikman ni Mareng Julia ang pagkain wala naman siyang sinabing substantial kundi, “It’s good.” Tapos nagtatatalon na ang mga cook sa kitchen dahil ibig sabihin maganda ang feedback sa pagkain. Uh-huh. That’s the job I want. At least for now. :) I know only too well how quickly I could change my mind. It’s the Gemini Curse.
Anyway, meron pa akong hinahabol na article tungkol sa Indian Food. Ang hirap palang magsulat tungkol sa isang restaurant lalo pa’t bago sa iyo ang pagkain. Bundat na ako pero pakiramdam ko dehins ko pa rin maintindihan lahat ng aking kinain. Parang merong sariling language ang bawat dish. Alam kong masarap, pero nahihirapan akong sagutin kung bakit. Sinasabi sa akin nung malambot na naan bread: wala, kulang pa sa edukasyon ang dila mo, ineng. Di mo maiintindihan ang ikinaiba ko sa chapati dahil pandesal lang ang tinapay na kilala ng dila mo. Kung tinapay nga lang nalilito ka na, lalong di mo mauunawaan kung ano ang ikinaiba ng chicken tandoor sa
Obvious bang napre-pressure akong pagandahin ang review na ito para mabigyan pa ako ng isang assignment?
Uh-huh.
Wala pa rin bang nakakaalam ng Ingles sa upo (the gulay)?
Talagang merong mga tanong na di masasagot.
Mahirap mahalin ang tanong.
Ang mas malala: Hanggang kailan ko mamahalin ang tanong?
Ang sagot: Hangga’t umaasa ka pa rin na mayroong kasagutan. Hangga’t naniniwala ka pa rin sa katiyakan.
Uh-huh.
Ngunit paano mo ikukulong sa katiyakan ang isang Gemini?
Lintek, matuto tayo kay Rico Yan: binabangungot ang natulog ng busog.
walang katiyakan. we must love the questions, the gray areas, the ambiguities, ALWAYS. from one fickle being to another. =)
at inggit ako sa trabaho mo, dear. alam kong nangangapa ang dila mo (sa pagtikim at pagsulat) but just enjoy it. all good food criticism comes with accumulation of experience, research and association (according to ma'am doreen in english class oh so many years ago. =)
Posted by
the city reader |
3:26 AM
" walang katiyakan. we must love the questions, the gray areas, the ambiguities, ALWAYS. from one fickle being to another. =)"
... hehe, oo nga naman. :) kailangang yakapin natin ang mga katanungan. tulad ng pagyakap natin sa mga taong nananatiling palaisipan sa buhay natin. DI BA, sistah? :p
Posted by
sigh |
2:37 AM