Ang Babaeng Aswang.
Dahil di na naman ako makatulog.
Ilang realisasyon:
1.
Light and bubbly
Light and bubbly
Pshhhht. Pshht. Sabi ng pag-asa. Shit. Shit! Sabi ko.
2.
Dahil maselan ang pag-asa, maselan din ang tao. Ngayon pa lang talagang tumatagos sa puso ko kung gaano tayo kaselan. Kulang na lang sabitan tayo ng “Handle with Care” na sign sa ilong. Pero syempre, di papayag ang ating mga ego na umaasa pa ring tayo ang sarili nating boss.
Pero hindi. Merong nagsabi sa akin: Kung ako ang bossing ng buhay ko, hindi ko siya hahayaang mawala sa akin. Ayaw ko siyang umalis. Bakit wala akong magawa?
Kain na lang tayo ng kamote.
3.
Hindi ko naman gustong sabihing maraming shareholders sa stock market ng ating mga puso kaya kahit sabihin mong “Buhay Ko Ito, Dude”, meron pa rin mga taong occasionally nagiging major stockholders sa mga damdamin natin. Kapag nagsama-sama sila (o minsan, kahit mag-isa lang siya) kaya nilang kontrolin ang stock market sa puso mo. At kapag nangyayari iyon, mapapaupo ka na lang sa isang tabi at itatanong sa iyong sarili: Buhay ko nga ba ito? O Buhay na ba Namin ito?
Hindi ko naman gustong sabihin ‘yun, pero mukhang iyon na rin ang nangyari.
4.
Ito ang talagang nais kong sabihin: Marupok ang tao. Maselan ang pag-asa. Kaya dapat nating alagaan ang isa’t isa.
Alagaan natin ang isa’t isa.
Marahil iyon lamang ang paraan para hindi malusaw ang puso ng tao.
5.
Ayokong masayang ang bawat karanasan sa buhay. Pathetic man tingnan ang pagpipilit kong i-suwak sa framework ng buhay ko ang mga taong naging bakasyunista/istokwa sa aking kuwento, iyon pa lang kasi ang kaya kong paraan upang magpatuloy. Pinapatawad ko na ang aking sarili sa kahinaang ito.
Kailangan.
Mapapatawad mo ba ako sa kahinaang ito?
Bahala ka. Bathala ka.
6.
Oh, tukneneng-in-a-stick kong buhay. Inaaswang na naman ako. Nasaan na ang cursed spindle ni Sleeping Beauty? Nasaan na ang isinumpang mansanas ni Snow White?
Anong oras na ba? Powta, alas-singko ng umaga. Magbabagong-araw na sa kabilang pisngi ng mundo, hindi pa rin natatapos ang dapithapon sa katawan ko. Tangina, kailangan kong matulog.
Kung orasan ang katawan ko na magdidikta sa bukang-liwayway at takipsilim, matagal nang nawindang ang mundo. Lahat tayo kakain ng mapait na ampalaya at iinom ng pupas na katas ng talbos ng kamote.
7.
Purple ang Ingles sa Pupas.
i take that test yearly :P i am currently the priss who should avoid The Playboy & The Loverboy hahahaha.
Posted by
ms.chelle |
7:58 PM
Hahaha! Ang galing! Saktong ikaw nga 'yun. Ayaw mo ng tinatarantado ka, pero ayaw mo rin sa cheesy-fuzzy romantic. :)
At ang kyut ng profile pic mo, ah. panalo. :)
Posted by
sigh |
12:01 AM