« Home | Masarap magbasa ng tula. » | Ang Babaeng Aswang. » | Oh, those blogthings. » | Winter melon ang Ingles sa Upo! » | Uh-huh. » | 20 Random Things About Myself (Tagged by Richelle!) » | Filler, filler. » | Ang Boyfriend Kong Baduy. » | Wala akong gustong sabihin. » | Ang saya ng bertdey ni Sarakebs a.k.a. Flafla kaga... »

Kagandahan

Heto ang (stupid) question sa Miss Earth Beauty Pageant kagabi:

If you can only save one element, which would you save: Air or Water?

Heto ang (winning) answer ni Miss Venezuela:

Air. Because we need air to breathe.

Heto ang (pang-gagong) answer ko:

Air. Because water is H2O: 2 parts Hydrogen and 1 part Oxygen. Ahehehe!

Oh, boy. I miss Lawrence. Siya lang ang lalaki (bukod sa Kuya ko noong elementary) na kilala kong mahilig manood (at mang-okray) ng beauty pageants. Kumusta na kaya siya? Kasing-ganda kaya ni Miss Venezuela ang araw niya ngayon?

Sana.

xxx

Naaawa ako sa matabang babaeng nasa billboard ng Edsa para sa Campaign for Real Beauty ng Dove. Mehn, sana di siya Pinoy. Nai-imagine ko siyang dumadaan sa Edsa araw-araw tapos nakikita niyang 64% ang humuhusgang extra-large siya at 36% lang ang nagsasabing siya ay extra-sexy. Pucha, torture ‘yun. Sana di na lang nila nilagyan ng statistics. Bahala na ang tao mag-isip kung nagagandahan siya o dehins. Ang ugali pa naman ng karamihan sa atin, kung ano ang popular na opinyon iyon ang paniniwalaan. Mehn, mahirap husgahan ang kagandahang pisikal.

Kung ako ang boboto, sasabihin kong extra-large siya. Dahil iyon naman ang totoo. Mataba siya. Sino bang nagsabi na kung extra-large ka eh pangit ka? Sa mga African tribes di ba sexy ang mataba dahil iniuugnay iyon sa imahen ng kasaganaan? Sa tribong Ayangan sa Ifugao, hindi ako maganda dahil hindi maskulado ang aking mga braso. Hindi ako maaasahan sa bukid. Tiyak na ang heartthrob sa kanila eh si Vina Morales. Ikaw ba, type mo si Vina Morales?

Nauunawaan ko naman ang gustong iparating ng Dove campaign. Humahanga nga ako sa konsepto, eh. Ang gusto lang naman nilang sabihin, wala talagang unibersal na pamantayan ang kagandahan. Wala iyan sa kinis ng balat, edad, o hugis ng katawan. Lahat tayo merong angking ganda. Maganda ka kung meron kang tiwala sa iyong sarili. Maganda ka kung tanggap mo ang iyong sarili.

Maganda ang extra-large na babae sa Dove billboard kung pinaninindigan niya ang paniniwalang SEXY siya kahit 64% ang di sumasang-ayon. Kung ganun siya mag-isip, sana Pinoy siya at sana makilala ko siya.

xxx

Naniniwala ka bang maganda ka? Ako, OO.

MAGANDA AKO. MAGANDA KA. MAGANDA TAYONG LAHAT.

Maganda tayo dahil lahat tayo magkakaiba. Espesyal. Meron tayong sariling mga paglalakbay. Merong sariling bakas na iniiwan sa mundo.

Ang ganda mo dahil kaya mong lampasan ang limitasyong iniatas sa iyo ng lipunan. Ang ganda natin sapagkat kaya nating makita at kilalanin ang di maubos na ganda ng mundo.

xxx

Usapang katawan naman:

Paborito kong bahagi ng aking katawan ang neck/shoulder area at legs. Mahaba ang leeg ko (epekto ng Cherifer) at maganda ang anggulo nito sa aking balikat. Sabi rin ni Kara (maganda at talentadong pinsan ni Akelberi) maganda ang aking legs. Sang-ayon din ako ‘dun. Mahaba at medyo patpatin ang mga binti ko. Parang cartoons nga, eh. Pero bagay iyon sa mga paborito kong maong na pantalon at palda.

Heto naman ang mga paborito kong bahagi ng katawan sa lalaki:

1. Kamay

Sexy sa akin ang kamay. Teka, mabuti pa linawin ko muna bago kayo mag-isip ng Anuman. Guwapo sa akin ang kamay dahil doon mo mababasa ang ugali ng isang tao. Masinop ba siya sa gamit at katawan? Masipag ba siyang magtrabaho? Matatag ba siya? Kaya ka ba niyang alagaan? Naniniwala akong umiibig tayo sa pamamagitan ng mata ngunit nagmamahal tayo sa pamamagitan ng kamay. Gusto ko kung paano mag-usap ang mga palad/kapalaran. Siguro din kasi malabo ang mga mata ko at madaling malinlang sa mata ng ibang tao. Mas nagtitiwala ako sa aking pandama.

2. Ilong

Sa simpleng dahilan na halos wala akong ilong. Natutuwa ako sa Aquiline nose. Paborito ko ang ilong ni Raymond Bagatsing! Sa babae naman, paborito ko ang ilong ni Naya-sistah! :p

3. Tingin (hindi naman talaga mata)

Wala naman ako talagang gustong hugis ng mata. Nagkakataon lang na heavy-lidded (mukhang troll) ang mga natitipuhan ko. Hindi talaga MATA ang gusto ko kundi TINGIN o SULYAP. Merong mga taong suwabe tumingin sa kausap. ‘Yung tingin na tipong lumalampas sa katawan. Intense ba. Hindi tulala, ah? Iba ‘yun. Hindi rin bangag.

Paborito kong tumingin si Raymond Bagatsing. Parang meron siya lagi gustong sabihin na mahalaga. Parang laging merong ikukumpisal. Huwaw!

Kung kayo ba ang tatanungin, anong bahagi ng katawan ang sexy o maganda?

xxx

Gusto ko lang sabihing malakas ang loob kong magsulat sa blog na ito dahil iilan lang naman sa mga kaibigan ko ang nagbabasa. Naroon pa rin ang ilusyon kong pribado ang blog na ito kahit nakabalandra sa internet dahil pili lang naman ang pinagsabihan ko ng address.

Pero minsan, iniisip ko kung panahon na ba para panindigan ang presensya ko sa cyberspace. Ibig sabihin, papayag na ba akong magpa-link (nang tuluyan) sa mga kaibigan ko at mang-link din sa blog ng iba.

Ack.

Hindi pa siguro. Meron akong ugaling makahiya: tumitiklop ako kapag maraming nakatingin. Ang totoo: Shy si Sigh. (Hay.)

Pagdating ng panahong handa na akong dumisplay sa cyberspace, ipapaalam ko rito. Sa ngayon, salamat sa pagbisita. Salamat at nananatiling simple (maski hindi) ang buhay-blogger ko. Hehe. Sana okey kayong lahat. :)

mahal, kunin mo tong test na to:

http://www.okcupid.com/oktest3

dating personality test yan. nakakatakot ang accuracy. ang basihan daw niya ay statistics at math.

tanong ko naman, ganito pala tayo ka-predictable? ("window shopper" ang category ko -- saktong sakto. kinabahan ako hehe.)

pero sa bagay, hindi sakop ng test na to ang pag-predict ng occurrence ng mahiwagang ZAZAZU (at least, i hope).

but anyway. tulad ng sabi ni viveca babajee (miss mauritius 1993), TAKE IT! TAKE IT! matutuwa ka. :)

ngi, nakakatakot nga! pero di rin ako naniniwala na sakop nito ang mahiwagang zazazu. sa batas ng probability, laging merong margin for error. :) di ko alam kung gusto ko ng lover boy. baka ma-bore ako.

haha! yun din naisip ko eh. loverboy? boy next door? sounds drab. :p

pero in fairness, sakto 'yung reading sa 'yo. :)

my dad actually had 4 tickets to tmiss earth :P no one used them - sayang we could have just given them to you hahaha.

and since you like pageants so much, here's a fun quote

(From gay beauty contest)
Host : What is the one thing that symbolizes happiness for you?

Gay contestant : (Stops, thinks and then smiles.) EGGPLANT PO!

Hahaha-happiness!;p PANALO!

Post a Comment