Lunas sa Pagkabagot #1
Gumawa ng national issue.
Sa dami ng tubig na pinainom ni Fafa Roach kay Pacquiao in between rounds noong nakaraang Linggo, hindi kaya siya nakaramdam ng pangangailangang umihi habang nakikipagsuntukan?
Eh, si Morales kaya, hindi naihi sa hapdi ng mga sugat sa mukha na nakuha niya kay Pacquiao?
Meron bang CR break ang mga boksingero tuwing commercial? Arinola in disguise ba ang upuan nila sa ring? Nag-a-adult diapers ba sila kaya ang laki-laki ng kanilang mga shorts?
Makatao ba 'yun?
Hindi ba kayo nababahala?
Sa dami ng tubig na pinainom ni Fafa Roach kay Pacquiao in between rounds noong nakaraang Linggo, hindi kaya siya nakaramdam ng pangangailangang umihi habang nakikipagsuntukan?
Eh, si Morales kaya, hindi naihi sa hapdi ng mga sugat sa mukha na nakuha niya kay Pacquiao?
Meron bang CR break ang mga boksingero tuwing commercial? Arinola in disguise ba ang upuan nila sa ring? Nag-a-adult diapers ba sila kaya ang laki-laki ng kanilang mga shorts?
Makatao ba 'yun?
Hindi ba kayo nababahala?
mm sa tingin ko di sila naiihi masyado, kasi pag high ka sa adrenaline di ganun ka-urgent ang pangangailangang mag-cr. at malamang nagiging pawis at hindi wiwi ang tubig na iniinom nila.
pero astig na hypothesis yung adult diaper! ;)
Posted by
anjeline |
12:44 AM
completely off topic : i made you a layout. [click here to view] i needed to de-stress after my midterm. anyway it's orange and black - halloweenish hahaha. anyway tell me if you want to use it or want stuff changed. just message me back if you want the code or if you want me to install it for you :D
Posted by
ms.chelle |
11:43 PM
richelle: musta midterms? (nakupo, kinukumusta ba talaga 'yun?:p) anyway, salamat sa layout! maganda ang orange at black. dig ko rin ang bundok at sunset.
subalit, Maalaala Mo Kaya at Lovingly Yours Helen ang naaalala ko sa font at butterflies galore. :p
puwede ba tanggalin ang blog title? naisip kong panahon na rin naman para baguhin 'yun. tunog sequel ng Sana'y Wala Nang Wakas ang Sana Simple Pero Hindi.
(paki-abot ng tissue.)
Posted by
sigh |
11:11 PM
akelberi: hihi, naalala ko lang bigla 'yung kababata kong si luisa. "wiwi" ang palayaw niya. ;) at tantsa ko 'pag ako ang nag-boksing, ipapalagay ko sa kontrata ang wiwi break. walang sinasanto ang pantog ko, eh. baka bugbugin ko pati 'yung referee.
Posted by
sigh |
11:25 PM
masaya yung midterm :S. para akong lasing pagkatapos.
the heading was a post midterm product. [mush brained] i was actually thinking of cheesey tagalog movies while doing that. it's a good thing i didnt slap richard gomez and dawn zulueta on the picture :P
ok i'll remove the title. do you still want the butterflies? :P
Posted by
ms.chelle |
3:17 AM
haha, goodbye butterflies!
pero, puwede pa ba si raymond bagatsing? :P ahehe. thanks, oceanchelle!
Posted by
sigh |
3:40 PM
sigh! ngayon lang uli ako napadpad dito sa blog mo. nakatutuwang basahin at makibalita sa buhay mo. kumusta ka na ba? natutuwa ako para sa inyo ni kael. hihihi!
Posted by
isea |
8:02 PM
raymond bag- ahhching! bless you! hoy hoy sigh! :)
Posted by
Unknown |
9:08 AM