« Home | Lipat-Bahay. » | Open Kamote. » | Salamat, Egay. » | Sige, kanta pa. » | Dahil boring sa office, kanta tayo. » | Ako si Sigh. » | "Ngwek-ngwek-ngwek!" sabi ng Duck. » | Thriller! Thriller Night! » | Posible. » | Kuwentong nightshift. »

Si Big Flower

Natutuwa ako dito sa roommate kong Korean. Sobra. She’s a darling. Kahit pinagpapraktisan niya ako lagi ng English at sa kasamaang palad ako pa yata ang nahahawa sa English niya. Ahaha. Halimbawa:


“You know, with my ex-boyfriend, we were related (ibig sabihin, meron silang relasyon) for 2 years but no (acting kinikilig) like that! Yeah! But with Tony (bufra niya ngayon) it was short time but (acting kinikilig) like that! Yeah! Very much!”

Naintindihan n’yo ‘yun? (Like that! Yeah! Very much!)

Paborito niyang “Filipino” song ang “Tell Me Where It Hurts” ng MYMP. Hindi pa niya nasasaulo ang lyrics pero madalas niyang kinakanta. Naisip ko tuloy na gamitin ang musika para tulungan siyang humusay sa Ingles. Kung type mo ang "Tell Me Where It Hurts", malamang type mo rin ang:

1. "Crazy for You" ni Madonna, at
2. "Through the Fire" ni Chaka Khan

Ipinarinig ko iyon sa kanya noong Huwebes at yup, type na type nga niya. Nakapikit pa ‘yung mga mata niya habang nakikinig ng "Through the Fire". Hihi. Kaninang umaga, ang pinaka-una naming ginawa ay kumanta ng "Crazy for You". Biniro ko kasi siya na iyon ang kanta para sa kanya ng ex-bufra niyang iyakin sa Korea.

Pero hindi naman puro kabaduyan ang taste sa music nitong si Vanessa. Gusto rin niya ang The Beatles! Iyon ang pinakikinggan namin ngayon. :) Favorite song niya ang “I Will”.

Ang galing ng The Beatles (di puwedeng mawala ang “The”). Sila lang talaga ang nakapasok sa (halos) lahat ng kultura sa mundo. Hindi kilala ni Vanessa si Kumareng Madonna pero kilala niya ang The Beatles. Isa lang ang ibig sabihin ‘nun. Mabangis talaga ang musika ng Fab Four.

-oOo-

Heto ang nasa listahan ng gagawin namin bago siya bumalik sa Korea:

1. Pumunta sa National Museum
2. Pumunta sa Divisoria
3. Manood ng maraming English films (para makuha niya ang tunog ng Ingles)
4. Mag-videoke (para bumilis siya magbasa ng Ingles)
5. Uminom ng Kapeng Batangas

-oOo-

Isa pang kuwela dito kay Vanessa, marami akong nasasagap na Koreanovela tsismis sa kanya. Halimbawa, hindi pala totoo na bufra ni Song Hye-Gyo (Si Jesse sa Full House) si Rain (Justin—same soap). Wala pang gufra si Lee Dong-Gun (Martin sa Lovers in Paris). Dating gangster si Han Jin-(ack, nalimutan ko) na gumanap bilang Lea sa Sweet 18. AT meron porn film si Kim Song-Soo (yung lonely rich guy sa Full House) na ang title ay TASTY SEX AND LOVE. Hahaha!

Ma-boys din nga pala itong roommate ko. Meron siyang crush dito sa IC na ang pangalan ay BRUCE. So hot body daw kasi. Mahilig din siya sa moreno. Pero kahit hindi moreno o So hot body basta smart-looking, ma-appeal sa kanya. Gusto niya pumunta sa Ateneo kasi ayon sa tsismis ng Korean friends niya marami raw lalaking So hot body at smart-looking doon.

Ahem, totoo ba ‘yun mga ‘tol? ;p

-oOo-

Meron akong natutunan sa karanasang ito: Makikilala mo ang kabutihan saang kultura man iyon nanggaling.

Kahit minsan hirap kaming magkaintindihan nitong si Vanessa, alam kong mabuti siyang tao. Hindi niya ganap na maiintindihan ang mga isyu sa buhay ko, pero ipinagtimpla niya ako ng pineapple flavored Tang ngayong Sabado ng umaga kasi you look so tired. What time did you awake last night?

Like that. Yeah.

Ang galing. :)

mahal, mukhang swerte kayo ni vanessa sa roommate, ah. :) namiss ko tuloy bigla yung lahat ng mga asian friends kong nakilala ko dito (exchange student sila) at sa france (exchange student kami). madalas nga kaming di-magkaintindihan pero ang sarap sarap pa rin ng samahan namin. :)
ika nga ng isang hapon na nakilala ko dito 2 years ago, "waaaah so happy!"

at kung gusto mong manuod ng tv tumambay ka na lang dito samen. magkapitbahay na halos tayo, eh. :)

"waaah so happy!" ako kagabi at nakasama kita. :) maraming salamat, mahal. at tungkol dun sa Plano, itext mo lang ako. libre ako ng gabi kapag weekdays at 4pm onwards kapag sabado. pagaling ka. :)

A-hah!!! Found you!!

Yeah, like that, very much! Hyuk hyuk hyuk.

uh-huh, you did. :P hello, babaeng maganda! :)

kakatuwang read itong entry mo, dude. parang creative non-fic na. :)

salamat, dude. puro komedi lang talaga ang nangyayari ngayon. :) sana okey ka at sana makapag-inuman-kuwentuhan ulit tayo sa lalong madaling panahon!

Post a Comment