« Home | Salamat, Egay. » | Sige, kanta pa. » | Dahil boring sa office, kanta tayo. » | Ako si Sigh. » | "Ngwek-ngwek-ngwek!" sabi ng Duck. » | Thriller! Thriller Night! » | Posible. » | Kuwentong nightshift. » | Asan si Lover Boy? » | Kagandahan »

Open Kamote.

At dahil sa anonymous comment, natuklasan kong oks na pala sa akin na ibahagi sa iba ang mga ipinagsususulat ko rito.

Merong sinabi sa akin si Chad (a.k.a. Cy1) tungkol sa pagsusulat sa journal. Kung lihim ang kuwento, dapat hindi ko na iyon isinusulat. Kasi oras na isulat ko iyon, gumagawa na ako ng ebidensya.

Ang wais ng Kuya ko 'no?

Tama siya. Sa bloggerland nag-iiwan ako ng bakas. Katulad nung mga suso (as in snail, hindi boobs) na gumagapang sa kalsada sa pamamagitan ng dila. Kung meron ka mang ebidensyang mapupulot dito, 'yun eh ang pagiging ordinaryong tao ko: minsan tsampiyon, minsan sablay. Laging clueless.

HETO NA. Walang ka-aray-aray. Bukas na ang blog ng babaeng makahiya. (At pipilitin niyang hindi tumiklop sa pagkakataong ito.)

hi, si gerry 'to, yung anonymous commenter. tinatamad kasi ako mag logg-in. kelan tayo magkikita sa UP para malibre mo ako?

GERRYBOY! napraning ako, akala mo ba? :p pero oks lang. game, labas tayo! miss ko na ang pastachickenfingerssaladatibapa ng a veneto. SISTAH, game ka rin ba? :p

AT dude, matagal na akong walang balita sa buhay mo. MAGKUWENTO ka, ah. :)

Post a Comment