Kuwentong nightshift.
Okay naman ang unang gabi sa trabaho. Tahimik, malamig, at mabilis ang oras. Lethargic ang mga tao kasi alam nilang Dapat natutulog ang tao sa gabi. Malamig ang ulo ng mga tao. Walang teleponong istorbo. Walang mga meeting. Lahat nakatuon sa trabaho. At oo, yosi break.
Apat kaming writers sa kumpanya. Bukod sa akin, lahat sila lalaki. At lahat sila porn account ang hinahawakan. Patawa nga, eh. Ako lang ang walang headset sa kuwarto namin. Ako lang kasi ang walang kelangang “pakinggan”. Ahehehe. Nakakatawa tingnan kung gaano kaseryoso sila manood ng porn movie. Sumasakit na raw ang mga mata nila sa katitingin ng puwet, etits, at suso. Kelangan kasi nilang “intindihin” yung pelikula tapos gagawan nila ng titillating description para sa mga dibidi. (Tumpak!) ‘Yung iba naman, i-u-upload sa mga porn websites. Nakaka-tatlong pelikula sila isang gabi. Anim na buwan na sila sa trabaho. Kapag nagse-sex kaya sila hindi nila naiisip ang opisina namin? Hmn.
Ipinakita nila sa akin ang ilan sa kanilang mga paborito. Meron isang Italian pornstar na kamukha ni Natalie Portman. Meron isang lalaking sobrang kinis ng puwet. Meron babaeng umaapaw ang boobs. ‘Yung tipong di kayang hawakan ng isang kamay lang. Pambihira talaga ang anatomy ng tao.
At oo, anatomy pa lang ‘yun. Mamamangha ka rin sa dami ng galaw at ritmo na nagagawa ng katawan kapag nagtatalik. Ang mga posisyon ha, creative! Meron isang mukhang twisted pretzel. Flexible kasi parehas yung babae at lalaki. Kasama raw ang criterion na ‘yun sa audition.
Habang namumula ang mata ng mga kasama ko sa kapapanood ng porn movie, naroon naman ako sa aking cubicle nagsusulat tungkol sa Sistine Chapel.
Ginugulangan namin ni Noam ang isa’t isa. Parehas kaming nagmamalabis. Iniisip niyang cheap labor ako kaya okay sa kanyang bayaran ang aking suweldo. Ang di niya alam, sa dali ng pinapagawa niya sa akin, sobra-sobra ang ibinabayad niya. Ano ba naman yung maghahanap ka lang sa internet ng ten facts tungkol sa mga interesanteng bagay tulad ng Sistine Chapel? Tapos, magsusulat ka ng BS article tungkol dun. Pambihira. Kahit high school kayang gawin ‘yun.
Anyway, tutal mahilig naman ako sa trivia, nag-enjoy ako sa pagsusulat. Heto ang ilan sa mga natuklasan ko:
- Sa fresco na “The Creation of Adam”, kung titingnan mo ‘yung hitsura ni God kasama ang mga anghel at iba pang nilalang sa langit, makikita mo ang eksaktong replika ng human brain. Merong frontal lobe, parietal lobe, at fissure. O, bilib ka na ba kay Michaelangelo?
- Kung di ka bilib ‘dun, dito tiyak kong mamamangha ka. Higit pa sa 3,000 figures ang ginawa ni Michaelangelo sa ceiling pa lang ng Sistine Chapel. At mag-isa lang niya itong ipininta.
- Parehas ang dimensions ng Sistine at Solomon’s Temple.
- Kung titingnan mo ang fresco kung saan hawak ni Jeremiah ang kanyang “stripped old self”, mapapansin mong mukha ni Michaelangelo ang nasa lumang balat niya.
- Hubad talaga ang mga figures sa Sistine Chapel. Nudity kasi ang isa sa trademark ng Renaissance. Naiskandalo ang isang sekta ng mga pari sa nakatiwangwang na etits ni St. Peter sa Last Judgment. Marami ang nagreklamo sa pope. Nang mamatay si Michaelangelo, pinatakpan nila ito ng fig leaves. Kung gusto ninyo makita ang original na painting (ng etits ni St. Peter), punta kayo sa Naples. Saka ko na babanggitin kung saang museo iyon. (Haha, sinong bitin? :p)
Hindi sang-ayon ang aking mga magulang sa desisyon kong rumaket dito sa kumpanya kahit nightshift. Pinipilit na nilang bayaran ang aking tuition sa MA pati na ang aking dorm fee. Ayaw kasi nila akong mahirapan. Sabi ko naman, kailangan natin matuto sa hirap minsan. Mahirap naman talaga ang buhay. Sa mga pagsubok tulad nito, mas nakikilala ko ang aking sarili. Natututunan ko ang ibig sabihin ng pagsusumikap. Bihirang pagkakataon sa buhay ang ganito, di ba?
Mahal ko ang aking pamilya. Sobra.
Wala naman akong balak manatili sa trabahong ito ng matagal. Matiyaga pa rin akong naghahanap ng trabahong gusto ko. Oras na matanggap sa kumpanya o organisasyon na gusto ko, paalam na kay Noam. Sa ngayon, pagkakakitaan muna namin ang isa’t isa. Aaswangin ko muna siya.
Oo nga pala, kung gusto ninyong magpagising sa umaga, i-text nyo lang ako. Game akong maging alarm clock. Basta ipangako nyo lang na gigisingin ninyo ako tuwing ala-una ng hapon para di ko malimutan mananghalian.
-oOo-
Ito, walang kinalaman sa trabaho. At hindi ko rin ito ipapaliwanag. Meron lang akong realisasyon kagabi habang lumalamon ng Shakeys Super Platter Meal (chicken+pasta+salad+soup+oatmeal bar+mojo potatoes+2 slices of Hawaiian Pizza) at Greek Salad (Romaine lettuce+pepperoni slices+cucumber+tomatoes+black olives+fetta cheese) at umiinom ng isang pitsel ng malamig na tubig:
Nasagot na ang aking tanong. Wala na akong dahilan para lumingon.
Tuloy ang buhay. :)
hi sigh, the figure holding his flayed skin in the sistine chapel frescoe is st. bartholemew, not jeremiah.
Posted by
Anonymous |
5:33 PM
hoy, sino ka? :) oo nga, si st. bartholomew! natuwa pa naman yung boss ko sa article na yun. napaghahalatang di niya nirerebyu ang sources ko. (mwehehehe) salamat sa pagbisita. :)
Posted by
sigh |
5:26 AM