Thriller! Thriller Night!
Mga Dude.
Maligayang Araw ng Lagim! (Ahwooooo!) Isa lang ang kahilingan ko para sa ating lahat:
Mag-Rest In Peace (R.I.P.) na sana ang mga multo sa buhay natin.
-oOo-
Happy Halloween, Samwise! Alam kong paborito mong araw ito. Ikaw pa lang ang nakikilala kong mas gusto ang Halloween sa Pasko (teka, di mo nga pala masyado trip ang Pasko). Palibhasa ang pagkakakilala ko lang sa Halloween noong bata ako eh yung mga MagandangGabiBayan Specials tungkol sa rapist na kapre (ouch), white lady sa school, mga sinapian ng itim na duwende, at mga kinulam sa probinsiya. Ang tindi pala ng psychological trauma ko sa mga MGB Specials na yan.
Huwag ninyong ipanood sa mga anak ninyo ang MGB Halloween Specials!
-oOo-
"Impressed" ang boss kong si Noam sa mga articles ko. Di ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Sige, matuwa na lang. Dati wala akong narinig sa boss kong kakambal ni Gollum kundi mga puna. Pero noon, natututo ako kasi merong puna. Merong espasyo para mas maging mahusay. 'Yun nga lang, mental+emotional+physical torture ang makasama siya. Ngayon, puro positibo ang feedback ni Noam. Noong una, ayos. Pero ngayon, naiisip ko, napakadali naman niyang ma-impress. Pambihira. Wala na bang ibang hamon sa akin ang trabahong ito?
Ang totoo, ayokong umabot dito ng Disyembre. Hinihintay ko lang na magkaroon ng ibang opportunities sa ibang lugar. Masaya ang trabaho dito pero lubhang madali. Hindi rin pala mainam ang ganoon. Alam kong mas marami pa akong magagawa sa ibang lugar. Meron pa akong ibang kayang gawin.
Tatapusin ko lang itong 8 natitirang articles na ipinapagawa niya sa akin tapos sisibat na ako. Kapag naganap sa Biyernes ang ipinagdarasal ko, sa susunod na Lunes magpapasa na ako ng resignation letter. Hay.
-oOo-
Natanggap na nga pala ako sa International Center dormitory ng UP Diliman. Koreana ang magiging roommate ko. Kapag nagkataon, para ako laging nasa isang international conference. Meron din akong nakilalang Chinese girl na ang pangalan ay Jin. Ang ibig sabihin daw ng tunog na "Sigh" sa Chinese ay GAME. Ang nakakatuwa, GAME! ang isa sa mga madalas kong gamitin na salita. Tingnan n'yo na lang sa blog na ito, ha. Ano, Game?
Lilipat ako dun ng mga Nov.18. Yehey! Nasa Zone na ako ulit. Exciting, 'no? :p
-oOo-
Masakit ang lalamunan ko. Pambihira.
-oOo-
Mga Hiling para sa Yumao:
1. Lolo Martin at Lola Huli: sana hindi kayo nagsasapakan ngayon. Sana hindi sinisilaban ni Lola ang mukha ni Lolo bilang ganti sa pagsunog niya sa lahat ng litrato ni Lola noong siya'y mamatay.
2. Lola Ate: Sana nakahanap ka na ng boyfriend sa spirit world.
3. Lola-Lola Istay at Lolo-Lolo Mamay: Sana naging ginto ang mga malalaking tipak ng asin sa mga bato na ikinamatay ninyo.
4. Ate Grace: sana sa spirit world walang iniwang bukol sa iyong magandang mukha ang kanser.
5. Rico Yan. Bakit? Bakit? Bakit?
6. Tita Lulu. Sana masaya ka sa pagbubuntis ni Joan.
7. Sa Lahat: Sana bahagi na kayo ng mga bituing pinagkukunan namin ng pag-asa gabi-gabi.