"Ngwek-ngwek-ngwek!" sabi ng Duck.
(Nobyembre 2 ko na ito isinusulat. Isipin na lang ninyo Noyembre 1 pa rin.)
Kung gising na kayo at nasa labas ng bahay kaninang 8:30 ng umaga, malamang naabutan n'yo rin ang pinakamalambot na ambong naranasan (at mararanasan) ko sa tanang-buhay ko. Alam ko ngayon pa lang na wala nang tatalo sa ambon na iyon.
Habang hinahabol ang mga patong naglalamyerda sa payapang damuhan ng Greenbelt (Okay lang magmukhang tanga sa umaga. Wala namang importanteng makakakita.), biglang dumating ang Pinakamalambot na Ambon. Napatigil ako at napatingala sa langit.
Suwabe ang pakiramdam.
Para akong minamahal sa unang pagkakataon. Korni, pero wala na akong maisip na pagtutulad. Mas malambot pa ang ulan na iyon sa first kiss (Kunsabagay, olats naman humalik si Bangus.). Hindi ako nanlamig kaninang umaga habang naglalakad sa ulan. Kinilig ako.
Ang guwapo ng mundo. :)
-oOo-
Eto pang-Nobyembre 2 na talaga.
Nag-costume na nga ako ng Valentina para sa "Halloween Party" ng office. Gawa ang ahas ko sa mga gummy worms na itinali sa hairnet. Masaya naman mag-costume, di ba? Ang siste nga lang, bukod sa akin wala nang ibang nag-costume sa floor ko. Putsa, mukha akong naglalakad na fish-bait. Ewan ko kung mananalo ako. Sa 18th floor meron nag-Darth Vader costume. Sa kasamaang palad hindi siya cute. Meron din na nag-costume ng Where-Is-Waldo. Pero mataba.
-oOo-
Wala rin patutunguhan ang blog entry na ito. Gusto ko lang mag-post dahil tapos ko na ang article tungkol sa dyslexia at alas-singko pa lang ng umaga.
-oOo-
Meron daw multo sa CR ng babae dito sa aming floor. At dahil ako lang ang babae dito, ako lang ang gumagamit 'nun. Kapag umiihi ako, tumatayo ang buhok ko sa likod. Sumasakit ang lalamunan ko sa katatawag kay St. Michael the Archangel (Patron na panangga sa masasamang espiritu, hindi patron ng mga umiihi). Pambihira.
Tangina, naiihi na naman ako.

hi mahal. nanalo ka ba sa contest? :)
Posted by
anjeline |
11:35 PM
haha, MEDYO, mahal. runner-up ako kaso yung tsampiyon lang ang may prize. hemfth. oks lang naman. si darth vader ang nanalo. nag-invest siya sa umiilaw na salamin at espadang flashlight. sige na nga, masarap naman ang gummy worms. :)
Posted by
sigh |
1:58 AM
bwahaha...cute costume dear. :) ang galing mo talga! :) tsampiyon ka pa rin sakin!
Posted by
~lizzie~ |
7:35 PM
hi lizziehunny! :) tsampiyon talaga tayo. alam din NILA 'yun. :D
Posted by
sigh |
3:14 PM